Ang Pilipinas ay nasakop ng bansang Espanya. Noong 1519 nagsimulang maglakbay si Ferdinand Magellan o mas tinatawag na Fernando Magallanes mula sa Espanya upang isagawa ang unang paglalayag sa buong mundo.
FERDINAND MAGELLAN
Ang paggagalugad ni magellan ay binubuo ng limang barko na tinatawag nilang San Antonio, Santiago, Conception, Victoria at Trinidad na mayroon itong 264 miyembro ng mandaragat. Si Magellan ay isang Portuguese na naglilingkod sa ilalim ng hari ng Espanya at noong Marso 15, 1521 narating ng kanyang ekspedisyon ang pulo ng Samal, Cebu. Kung saan tinanggap sila nina Raha Kolumbu at Raha Siago.
Ang mga pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang kapuluan ni San Lazaro at inangkin ang mga lupain para sa kaharian ng Espanya. Sa ilalim ng pangalan ni Carlos I, si Magellan at ang kanyang kasamahan ay sinasabing unang Europeong nakarating sa bansang Pilipinas at nagpatayo si Magellan ng isang malaking krus sa nasabing lupain.
LAPU-LAPU
Pagkaraang pinakilala ni Raha Kolumbu at Raha Siago kay Raha Humabon nabinyagan si Raha Humabon sa ngalan ng Kristiyanismo. Tinulungan ni Magellan si Raha Humabon na talunin sa labanan si Datu Lapu-lapu sa pulo ng Mactan. Namatay si Magellan sa labanang ito noong April 27, 1521.
Ang natira sa kapuluang ito ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo nina Raha Humabon at ang mga Kastila hinggil sa pang-aabuso ng mga Kastila sa mga kababaihan. Sa isa pang pag-aaway, napaslang ng mga Pilipino ang 200 Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay.
Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria. Isang barko na lamang na may 18 tauhan. Ang unang paglalayag na pang buong mundo sa ngalan ng Espanya at nasundan pa ito ng 4 pang ekspedisyon mula noong 1525 hanggang 1542. Sa ikaapat na paggagalugad, narating ni Roy Lopez de Villalobos ang kapuluan ng Pilipinas at ipinangalan nya ito kay John Philip II na noon ay may katayuan bilang tagapagmana ng kaharian ng Espanya.
Naging pormal na kolonya ng Espanya ang Pilipinas noong 1565 nang itinalaga ni Philip II si Miguel Lopez de Legazpi bilang unang gobernador heneral ng kapuluan. Noong 1571, Pinili ni Legazpi ang Maynila upang gawing kabisera ng kolonya. Ang Pilipinas ay pinangasiwaan ng Espanya mula sa Mexico. Ang pangangalakal ay isinagawa sa pamamagitan ng mga Dallion na naglalayag sa pagitan ng Tanton at ng Akapulko Mexico kung saan ang Pilipinas ay gumaganap bilang daungan, angkatan at luwasan ng mga kalakal. At nagwakas ang pangangakal sa pamamagitan ng Dallion noong 1815.
Naging bahagi sa patakaran ng Espanya ang Pilipinas na may tatlong layunin, ang makapaghanap ng mga pagkukunan ng kalakal na mga pampalasa at mapaunlad ang pakikipag-ugnayan ng katayuan ng Kristiyanismo sa Tsina at ng Hapon at upang maging ganap na mga Kristiyano ang lahat ng mga Pilipino. Ang Pilipinas lamang sa Asya ang naging kolonya ng Espanya. Nagsimula ang paghina ng kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas noong 1762. Naganap ito noong panandaliang mabihag ng mga Britaniko ang mga Kastila nang maganap ang digmaan na kung saan ang Kastila ay kumampi sa Pransya bilang pagsuporta sa paglusob ng Britanya sa Pilipinas.
DIEGO SILANG
Naghimagsik laban sa mga Kastila ang mga mangangalakal na Intsik, isang pangkat na dumaranas ng pag-uusig sa ilalim ng pamumuno ng Kastila. Nagkaroon ng iba pang mga paghihimagsik laban sa Espanya, kabilang dito ang pag-aalsang pinamunuan ni Diego Silang mula sa Ilocos ng Hilagang Luzon at nagtatag sya ng isang pamahalaang nagsasarili na makipag-ugnayan sa mga Britaniko. Sa kasamaang palad pinaslang si Diego Silang sa pamamagitan ng asasinasyon noong Mayo 1763.
Nang matapos ang digmaan, naibalik ang Maynila sa kapangyarihan ng Espanya noong Mayo 1764. Nagsagawa si Jose Basco y Vargas ang kasalukuyang gobernador ng Pilipinas mula 1778 hanggang 1787.
Dalawa ang naging epekto ng pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas. Una, ang halos malawakang pagsanib ng mga tao sa Katolisismong Romano. Ikalawa, ang pagkakalikha ng mga tao na nagmamay-ari ng lupain. Tumagal ang pamamahala ng Pilipinas sa ilalim ng kolonya ng Espanya sa mahigit 300 taon.
Subscribe by Email
Follow Updates Articles from This Blog via Email
No Comments